Add parallel Print Page Options

27 Sasabihin niya: Sinasabi ko sa inyo, hindi ko kayo kilala. Hindi ko alam kung saan kayo nanggaling. Lumayo kayo sa akin, kayong lahat na mga manggagawa ng hindi matuwid.

28 Magkakaroon ng pananangis at pangangalit ng mga ngipin.Mangyayari ito kapag nakita ninyo si Abraham, si Isaac, si Jacob at lahat ng mga propeta na nasa paghahari ng Diyos ngunit kayo ay itataboy palabas. 29 Sila ay manggagaling mula sa silangan at kanluran, mula sa hilaga at timog. Sila ay uupo sa paghahari ng Diyos.

Read full chapter